Ano ba halaga ngayon ng singko sentimo? Singkwenta sentimo? Beyte Singko sentimos? Halos wala na diba? Pero ang piso, di magiging piso kung walang apat na beyte singko, o sampung dyis, o beynteng singko. At ang isa ko pang gustong sabihin ay mahirap mag Math, lalo na kung tagalog.
Alam nyo namang mataas ang respeto ko at pagpapahalaga sa mga magngagawa, lalo na sa mga sector ng serbisyo. Maliit man ang tingin ng iba, pero alam kong mahirap ang trabaho nila. Hindi ko kayang makipag plastikan sa mga tao walong oras mahigit sa isang araw.
Pero minsan talaga di ko maiwasang mapa iling pag nakikita kong mismong silang naghahatid ng serbisyo hindi alam kung pano magpahalaga sa kostumer. Mga simpleng etiketa sa pakikipagtransaksyon sa pang araw araw na trabaho nila.
Minsan nasa supermarket ako upang maggroseri. Normal na minsan pag buong pera ang ibibigay mo, tatanungin ka kung me mas maliit kang halaga. Oo nga naman, mauubusan sila ng panukli. Kahit problema nila un, para maiwasang makagambala sa iba pang mamimili, manghihingi sila ng mas maliit.
Sa pagdating naman sa pagsusukli, nakakatuwa pag bibigyan ka nila ng dyis o singko. Kasi nadidisplay lamang nmn ito sa bahay at di nagagastos. Minsan kendi nalang naibibigay nila.
Pero itong isang kahera, ewan ko ba kung absent o may sadyang saltik sa kukote at mahilig mag asyum. Asampshunista ang loka. P10.25 ang aking sukli. Dyis pesos at beyte singko sentabos.
Ano ba’t maitanong nya na “Ser, Ok lang ba na kulang ako ng beyte singko?”
Magsasabi namn agad ako ng “Oo, walang problema,” madali lang nmn ako kausap, me kasama pang matamis na ngiti at isang kindat sa singkit kong mga mata.
Pero ano ba ang beyte singko? Kakapiranggot nmn talaga un. Pero kahit ganon man, kagandahang asal ang mano bang magtanong ka man lang kung ok lang na kulang.
Eh ang lintik na hitad, basta abot ng dyis sabay baling na ang tingin sa susunod na customer.
Nakakapang init ng bayag! Ang sarap lang pandilatan at magsisigaw para lang sa beyte singkong galinggit.
Un lang. Gusto ko lang i-share. Na minsan sa pangaraw araw nating pakikihalubilo sa mga tao, madami na tayong nakakalimutan na gawin. Hindi din naman kasi pinapansin.
Me mga babaeng pagbubksan mo ng pinto at pauunahin, mano bang mag teykyu.
Me mga taong gogud morningan ka, mano bang maki good morneng ka din.
Me mga taong kakain sa fastfood. Mano ba man lang na kumain na parang tao, oo at may nagliligpit, pero di nmn ikamamatay kung pagaanin mo ang pagliligpit ng crew ng fastfood diba?
Me mga taong kung makapag pawis sa gym kala mo’y paktori ng mantika sa pagka grasa ng pawis, maanta pa. Mano ba man lang punasan ung bench na pinag higaan.
Ang mga Pilipino, ang daming reklamo, pag dating sa Singapura, kung maka puri, ”Ang linis linis! Di gaya sa Pinas!”
Eh pag dating naman sa Pinas, sila pa nangunguna magtapon ng balat ng kendi sa kalsada. Ang sakit nyo sa pilik mata! Mygas abelgas!
Ay nako, madami pa akong rants sa sa mga taong ganyan. Nauubos ang pasitib energy ko sa mga taong ayaw ayusin ang maikli nilang pamumuhay sa mundong ito.
At ngayon ko lang nalaman na ang halinghing pala ay ungol ng kasarapan. Wala lang, gusto ko lang ilagay sa titulo ng post na ito. Me reklamo? Di nmn bastos ah. Swak padin sa imahe kong ubod ng linis, walang kokontra. Ang di ko lang maintindihan, bakit beyte singkong duling? Nakakduling ang beyte singko? Leche! Asan ang dksyunaryo kong tagalog!
Bow.
Kapayapaan. Pagmamahal. TnT (Tawa ng Tawa)
Bot Nulis Telegram
3 years ago
17 mga umutot:
sapol! meron nga dito gugudmorning ka... aba! wala man lang kareareaksyon...
teka, san mo nakuha ang tnt na yan... *tnt*
@MArco: hahaha. diba?
Ung TnT, tintry ko lang tagalugin ang LOL. tama namn diba? medyo swak namn? haha. Imbento lang.
adik ka jepoy! hahaha.. minsan masarap magsuplado sa mall at minsan masarap magpapansin. depende lang sa mood yan =p
adik ka jepoy! hahaha.. minsan masarap magsuplado sa mall at minsan masarap magpapansin. depende lang sa mood yan =p
@david edward: adik ka din! hahaha. kelangan sa mall magsuplado? papansin! wahahahhaa
nice post. Technically hindi ako guilty sa mga yan. Mabuti kasi ang puso ko. aahhaha
pero nakakatuwa rin yung mga taong nagrereciprocate..halimbawa pag nakangiti ka, ngingiti rin sa iyo. =)
may mga wala talagang pakialam eh..yun lang.
@Jepoy: weh? haha. ikaw na ang mabuting tao. :P
@Paci: delikado yang pagngiti ngit sa di kakilala. haha.
I went to Robinson's once to buy something at pito ang nag-asikaso sa akin.
Once naman sa SM, pag abot sa akin ng binili ko sabay sabay silang tatlong nagsabing, "Thank you for shopping at SM, Mr. Yu!"
Sa Handyman Ermita, mamatay ka na, hindi ka papansinin. I saw three people assisting a foreigner and so I went there and said, "Kaya tayo hindi umaasenso kasi maka-banyaga kayo!!!!!!" (Yan ang natutunan ko kay Jepoy, ang pagtataray!) Bow!
hay naku parang sa jeep lang..pag kulang ang bayad mo kulang na lang eh pababain ka ng konduktor (meron kasi nito dito sa antipolo) pero kapag kulang naman ang sukli nila, ikaw pa ang tatarayan at sasabihing tumaas na daw ang pamasahe WTF!!
hahahahaha good job on the HALINGHING!
at naman palaman.... ayokong simulan ang mga rants ko sa taong ganyan hahahahaha baka maduling din ako... :P
@Phi Jon: wag masyadong masungit, bawal yan sa bagong opera. magpagaling ka muna. baka haluan ng asido nung nurse dextrose mo pag dika nagpakabait. haha
@hartlesschiq: di ako makareak. nag wawan two tree kasi ako sa djyip. haha.
@YJ: alam na alam mo ang halinghin. hahaha. alam na! oist! magpakita ka!
napadaan at nakibasa...
hindi talaga natin maiwasan na may makasalamuha na mga taong ganyan..
one time sa over pass, may mga namimigay ng flyers.. libre naman yun.. hindi ka namna mamamatay kung tatanggapin mo.. ano at itong mashondang babae eh tinalakan pa yung namimigay ng flyers.. nakakaabala daw siya sa mga nagdadaan na tao... hay naku na lang..
ayun naiwento lang..
***naitanong yugn tnt kase tumi-tnt din kami ahihihihi
:D
kainis ung di ka man lang abisuhan na kulang isusukli sayo. :(
bakit sa akinse pa ang inuman? ngayon na! haha.
@Yanah: wow nabrowse ko ung mga blogs nyo. onga no. gumagamit ka din ng tnt. akala ko ang witty ko na. bwahaha. gaya gaya lang pala. haha
@kantotantra: hehe. pero ako since madami nga akong na wan two tree, kung di magbigay ng sukli, karma ko nalang kasi. haha
@bulakbulero: para kunwari sa akinse sweldo ko. kahit tuwing 26 tlga. wahahaha.
keep on posting..
Post a Comment