Ng dahil sa gulaman, nalungkot nanaman ako.
Dalawang lingo na ang nakararaan, excited ako na magtawag ng family gathering para sa Mamay (lolo) naming na mag bebertdey ngayong Oktubre 13. Ninety nine (99) na sya ngayon pero dahil sa me pasok, ngayong lingo (Okt 11) nalang naming iseselebreyt.
“Gagawa ako ng graham cake.” Eksayted kong bulong sa sarili. Eto lang kasi ang alam kong gawin.
Namili na ako ng mga sangkap. At kanina lang, namili ako ng presh na mangga para ihalo dito.
At dahil mas perky pa ako sa utong ni *****, at excited makakita ng tao, minarapat kong mauna na ngayong sabado sa Batangas at gawin na ang Graham keyk.
“Perpekto!” Sigaw namin ng mga kasama ko ng matapos magawa.
Gelatin nalang ang kulang sa ibabaw.
Nagpakulo, hinalo, at dahil mababa ang EQ ko, ibinuhos ko agad ang gulaman.
Tinitigan ko lang sya ng todo. Coffee jelly ang aking binuhos sa dalawang tray, sa isa pang pares ay raspberry naman.
Kinabahan ako ng todo, pero nanuod nalang ako ng PBB. Pero nang balikan ko… WAPAK!
Sinipsip lang ng graham ang gulaman ko. Matubig ata masyado. Malabsak. Nandiri lang ako.
Budburan ko daw ng gulaman powder. At dahil kumusot na ang aking mukha, minarapat nalang ng aking irog na bumili ng isa pang gulaman, at mag init at ibuhos ulit ito sa cake.
Alam nya marahil na aatakihin nanaman ako ng aking depresyon.
Natapos remedyohan ang graham cake, pero di parin ako mapakali. Bibili nalang ako ng totoong cake bukas.
Itatapon ko nalang ang apat na trays ng graham cake ko.
---------------------------------------------------------------------------------------------
At dito nagsimula ang pag e-emo ko. Para kasing lahat ng mga bagay na gusto kong gawin, lahat ng mahawakan ko, masama ang kinahihinatnan. Parng graham cake ko lang.
Wala na at akong nagawang tama sa buhay ko. Mukhang lahat pinipilit ko lang remedyohan, pagtakpan, hawiin ang mga pagkakamali at pilit tinatama.
Pero sa huli, pangit parin ang kalalabasan.
Isa nanaman akong “disappointment” sa sarili ko.
Ang saya gumawa ng graham cake para sa iba. Pero pag para sakin na, wala na. Sira na.
Kung tutuusin, maayos naman ang dati kong nagagawa. Me starfish na design pa nga ung iba. Pero bakit sa sarili kong graham cake di ko magawang maging masarap? Di ko magawang magmukha syang Masaya?
Hay ang buhay nga naman, parang isang graham cake lamang!
Bot Nulis Telegram
3 years ago
9 mga umutot:
dahiljan ikawna ang papalit kay dabo bilang emo lord.... hahahaha!
next time try mo broas instead of graham cracker crumbs...baka andun ang magic hehehehe.
@ewik: Ayaw ko!
baka mag evolve din ako to an ultimate Sex Guru after maging Emolord.
wag na. LOL
@BK: UNGA NO!!!!!
hmmm broas... sounds... promising. sige nga, ma try!
salamat!
Hindi naman lahat ng bagay na dumadating sa ito mali. Siguro kinakategorize mo lang agad ito as "mali" kaya feeling mo lahat mali.
Kung ako ang tatanungin, mas gusto ko pa ng complikasyon at least masaya ako, kesa naman sa wala ngang komplikasyon, pangit naman takbo ng buhay.
Diba?
Halika, ako na lang ang gagawa ng dessert for you... pati appetizer at main course isama mo na... wag ka na lang malungkot.
Nanghihinayang ako sa apat na tray na tinapon mo. Sana ay pinakain mo na lang sa nagugutom.
"Para kasing lahat ng mga bagay na gusto kong gawin, lahat ng mahawakan ko, masama ang kinahihinatnan. Parng graham cake ko lang."
Hindi kaya masyado mo minamadali ang mga bagay poi? :)
@Greenman: di ko gets. pero go lang. hehe.
@Tristan: *tumbling* thanks.
@Kuya Joms: uhhhmmm... di ko naman talga tinapon. Parang di moko kilala, nanghinayuang din ako. Tinago ko lang sa ref at nagkulong sa kwarto.
Pero me nakakita, nilabas at hinain sa tao... ayun, naubos naman ung apat na tray. pero ewan ko kung naubos o tinapon nila, feeling ko naman naubos talga. hehe.
Minamadali? hindi, actually, long overdue na ang mga bagay bagay. Late nako sa byaheng dapat kong sakyan kung baga.
Poi: Kasi naman hindi inaayos ang explanation eh. :)
Ikaw late? Nauuna ka pa nga sa akin sa karera ng buhay eh. Kaya nga't nagtataka ako bakit bigla mong nasabi na wala ka pang nagagawang tama sa kabila ng iyong malayong narating.
sabi nila meron daw bright side. tsaka meron din silang tinatawag na perspective.
Post a Comment