Kelan ba ung huling beses na napangiti kayo sa kawalan dahil bigla nalang bumulong sa inyong utak ang pamilyar na boses ng isang tao hanggang sa sumilip ang kanyang mata at tuluyan na ngang dumungaw at natanaw ang mukha nya sa iyong alaala?
Diba ang saya?
Naalala ko lang ang komentong ito nang sa limang besses ngayong araw (na umabot hanggang gabi) galing sa limang magkakaibang tao ang nag tekst sakin ng mga kalungkutan nila. Me isang galing sa isang failed date (kasalanan ko ata at pinakilala ko sila). Ang pangalwa naman ay nagsasawa sa buhay mag isa kahit na tuloy tuloy ang magagandang pangyayari sa buhay nya.Kabaligtaran naman ang pangatlo sa pagkakaroon ng masasaklap na mga pangyayari at wala syang kadamay. Ang pang apat ay kakabreyk lang sa kanyang irog. At ang pang lima ay hinahanap ang walang closure na ex.
Napansin ko lang… minsan kasing umikot ang mga mundo nila sa isang tao, o sa isang ideya. Namimiss lang nila ung ideya na me kaakap, kadamay, kausap, kasangga, at ung isang bagay na di ko pwede banggitin sa napaka wholesome kong blog. Basta pag nakalimutan nyong nabuhay kayong magisa, at minsan lang nagkaroon ng kasama…
Dito siguro nagiging impraktikal ang pagiging romantiko.
Wag nyo lang sana paabutin dito at paikutin ang sarili sa ganitong pag iisip ay magiging ok naman kayo.
Sa pagiging romantikong impraktikal sinisilang ang mga Emolords. Madami akong kilalang mga batang Emolords. At hindi sila masayang kasama. Nakakdrain ng dugo.
Pero sa tamang timpla, ok maging romantiko. Nagbibigay ito ng ngiti sa iyong mga labi. Wag lang sosobra kasi mapagkakamalan kang baliw.
Pero tandan, hindi lang sa BF o GF o asawa pwedeng iapply ang pagiging romantiko. I-channel ang pagiging romantiko sa pagiging sweet sa mga kaibigan. Mahirap kasing kinikimkim ang pagiging romantiko, nakakabaliw lang talaga ito.
Ano ba ang gusto kong sabihin? Ay wala lang naman. Gusto ko lang mag ipon ng mga positive energy dahil naubusan ako ngayon araw. Limang oras ako nagtytype ng mga pagcocomfort. Kinonti-an ko nalang dun sa mga alam kong mature naman. Dinamihan nalang dun sa mga tingin ko’y me suicidal tendency. Sa huli, para nalang matapos, nag book ako ng kadate dun sa isa. Pwede nako magtayo ng speed dating service.
Basta… ano ba alam ko sa mga bagay na ito. Di dapat yata ako ang tinetext nyo, si Ewik siguro dapat. Mas madaming alam un. Katawan ko lang ata ang kaya kong i-offer na solace sa kalungkutan nyo. Di ko kayang magpayo. Mas madami pa siguro akong pagkakamali sa pagiging romantiko ko kahit pagsamasamahin nyo pang lahat ang kaeklatan nyo. Kaya di nako magpapayo, makikinig nalang ako.
Pero para sa mga naiinip na sa kakaantay… pakinggan nyo nalang si Michael Buble… “I haven’t Met you yet.”
(next week na ulit ako magpopost, trabaho muna)
15 mga umutot:
Napansin ko lang… minsan kasing umikot ang mga mundo nila sa isang tao, o sa isang ideya. Namimiss lang nila ung ideya na me kaakap, kadamay, kausap, kasangga, at ung isang bagay na di ko pwede banggitin sa napaka wholesome kong blog.
Hah! Kaya natatakot akong ma-involve sa isang tao. Madalas, ma-solve lang ang pangangailangan kong ito, nag-momove on ako at nakakalimot na may mga tao palang naghahanap ng mas stable na kasangga.
Sabihan mo lang ako kung malapit na ako maging negastar ha?
kelan ako huling kinilig? hmmm. kakakilig ko lang. at kinikilig ako habang sinusulat ko ito. kiligin ako at alam ko na mayamaya kikiligin na naman ako.
nung matapos ang kaunaunahan kong relationship, sabi ko sa sarili ko, "I haven't met him yet." ito rin ang sinabi ko sa sarili pagkatapos ng pangalawang relationship ko...at sa mga natapos na relationship na sumunod pa. pero hanggang ngayon, kiligin pa rin ako.
JTSS,
Boying Opaw
bakit parang may feeling akong subtly linaglag mo din ako... nakuuu, may kampihang nagaganap!!!
hmmm, hindi ako nakaimik sa pagbabasa nito (habang paulit-ulit na tumugtugtog ang awiting magmahal ng syota ng iba)
at sinamahan pa ni michael buble..
pero masarap naman maging romantiko..kilig pepe feeling..ahihihi
@Kuya Joms: wag kang magalala, di ka pa nageevolve bilang negastar. Ibang klase ang mga negastar, wala pa yan. hehe. Pero sana magaya kadin dun sa isan nating kaibigan na picachu evolve from emolord to sexguru to chikinini master. hehe.
*hugs*
@boying: masama na yan... epilepsy na yan.
@Ewik: hindi kaya kita nilaglag. Binida pa nga kita eh. hahaha!
Ginawa kitang Love Guru. haha! Gusto ko nga irefer sayo ung lima, hehe.
@Period: masarap nga maging romantiko, wag lang sosobra. Baka maging emoLord ka. At wag na wag iwanan ang IQ pag nagmamahal, baon mo dapat yan lagi.
*Peace out!*
Pakpak nalang at bow and arrow si cupid ka na.
Salamat sa pakikiramay mo sa akin nung gabing tinext kita...
Pero pasensya na kasi hindi ko naisip na hindi lang pala ako ang inaatupag mo nung gabing yun.
Bigla tuloy akona guilty.
Thank you and sorry :-)
P.S.
Matapos yung huling relationship ko... nagtataka ako bakit bumagal yung pag generate ko ng positive energy... hindi naman ako ganito dati. Haaay... nami-miss ko na rin yung dating ako :-)
@Anonymous: Hala! kung sino ka man, there is no need to say sorry. A friend's role is to be there. And please wag kang magsawa, I've got fountains of postive energy. Cake lang ang katapat overflowing na ulet. haha.
And there is no need to miss your "old" self. Kung sino ka ngayon, un ka padin dati, a little wiser, a little more experienced, but it should not be a source of loneliness. You just need to find happiness within yourself and you don't need a partner for that.
huwaw naman sa advise... ikaw kaya ang tunay na love guru!!!
standing ovation!
@ewik: Kelangan ba talgang naglalaglagan tayo??????
Gusto mo gumawa ako ng Top Ten Things to Know About Wiwik???
KILIG... yan ang dapa na hindi nawawala... kahit na gaano na katagal ang isang relasyon... pag nawala ang KILIG... asahan mo disaster ang kasunod niyan... sigh...
Ay! Gusto ko yan!
Looking forward to "The Top 10 Things to Know About Wiwik",
Boying Opaw
kasama ba ako sa limang yan? hehe.
mabenta ka palang adviser. :p
@AB: hmmm... actually hindi. Hindi pa tayo nag uusap ng ganon katagal, at hindi pa ako naniningil ng professional fee. hehe. pag naningil nako, ibig sabihin, panganim ka na. LOL
Post a Comment