Powered by Blogger.

Thursday, February 26, 2009

Para Kay B ni Ricky Lee

Wala ako sa wisyo nitong mga nakaraang araw. Basta. Tapos bigla akong pinahiram ng libro ni bespren. Actually, dinarag ko sya para bigyan ako ng bagong pagkakaabalahan.

Sabi ko, ano nanaman itong kalokohan na to? Lab story ba ito? Wala akong balak kiligin hanggang sa kuyukot na abot hanggang sa burnik ng pwet ko (ay sori, baboy na).

Unang tagalog na libro daw na nabasa nya, at nagustuhan nya ng sobra sobra, todo todo. OA! Sabi ko. Hindi pwedeng sobra lang, kelangan sobra sobra?

Ako, kung sakali, pangalwang tagalog ayon sa aking pagkakaalala. Ang una ay ang Bata, Bata Paano ka Ginawa ni Luwalhati Bautista.

Sa una’y nahirapan ako basahin, marahil sa sobrang daming ginagawa sa trabaho, wala ang todo kong atensyon sa libro, at madaming putol ang aking pagbabasa. Pero di kalaana’y nabasa ko din ng tuluyan hanggang madaling araw ko na natapos at eto, sinasabi sa inyo na weirdo sya basahin, pero maganda. Madaming parte na nakarelate naman ang kilikili ko sa pagkiliti ng lechecng libro nito sa mga alaalang pilit na winawaksi.

Basta! Bigyan ko nalang kayo ng mga paborito kong mga linya sa libro na naquote na din ni bespren sa blog nya.

------------
236-237
"...hindi mo pwedeng mahalin ang isang tao nang hindi mo minamahal ang hilaga, silangan, timog, at kanluran ng kanyang mga paniniwala. Kapag nagmahal ka'y dapat mong tanggapin bawat letra ng kanyang birth certificate. Kasama na doon ang kanyang libag, utot at bad breath. Pero me limit. Pantay-pantay ang ibinibigay na karapatan sa lahat ng tao upang lumigaya, o masaktan, o magpakagago, pero pag sumara na ang mga pinto, nawasak na ang mga puso, nawala na ang mga kaluluwa at ang bilang ay umabot na sa zero, goodbye na."
---------------
At ang isang napaka lupit...
-----------
103-104
"...Dahil totoo ang sabi nila, ang great love mo, hindi mo makakatuluyan. Ang makakatuluyan mo ay ang correct love".

-----------
Me pagka pessimistic din itong libro na ito no? Samahan mo pa ng teoryang sa madaming tao ay marahil totoo...
-----------
36
"Me quota ang pag-big. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa di sila iniibig. O iibig nang di natututo. O iibg sa wala. O di iibig kailanman".

----------
So ano? Kasama ka sa quota?
O ayan. Me isa akong libro na gustong ipamigay sa blogger na gusto mabasa ang librong ito. Ipahiram nyo nalang kung gusto nyo. Ano? Sino me gusto? Ipapadala ko na.

13 mga umutot:

. said...

Kasama ako sa quota. Kaya ang gagawin ko pansamantala eh sa technical school mag-aaral umibig. Hehehe.

Poipagong (toiletots) said...

Kuya, pag napag aralan mo, ituro mo din sakin ha? hehe.

lucas said...

WAAAAAAAA! patawarin moko pero hindi ko binasa tong post mo. ito kasi binabasa ko ngayon...baka kasi may spoiler! hehe!

---
hindi na nga ako makapaghintay na mapanood yung chun-li na yun eh.hehe!

thanks!

Chyng said...

hala, di ba sa multiply mo ako unang ngtaas ng kamay kung sino may gusto ng copy?

Poipagong (toiletots) said...

@Lucas: Ok lang... pero wala namang spoiler dito eh. Me konting quotes lang. hehe

@Chyng: Oo nga. Diba I asked kung kelan mo gusto kunin at kung saan?

lucas said...

ayan...binasa ko na. hehe! nasa pangalawang kwento palang ako eh. my friend highly-recommended this. she's a bookworm so it must be a really good book.

--
something wrong with you? nako baka maxado ka lang naging busy...hehe!

thanks, jepoy.

Anonymous said...

naging loko-loko ka narin pala sa pagsusulat. ^_^ i like the new more bubbly jepoy. ^_^

pagkatapos nito, panoorin mo narin ang You Changed My Life, which I watched almost 3 times already.

hahaha, basta kasi.

Unknown said...

Hahaha yes panalo ang librong yan hmmm may copy na ko eh hihingen ko sana para ipamigay din hehe.

Poipagong (toiletots) said...

@Lucas: Ok lang ako... nuba? hehe.

@Carl: ang tanong ni lucas kung ok lang ako.. sayo naman, napaka bubbly ko. hahaha!

You changed my life? hehe

@Klitorika: Ate! Asa Cebu ako 2nd week ng March! Teka, bakit ang ddrama drama ngyon mo? mas madrama pa sakin? ha? ha?

Anonymous said...

NABASA KO NA SYA!

Ehehehe.

Gusto ko ang writing style ni Ricky Lee pero yung kwento itself ay... ok lang.

Roland said...

sama ako sa quota!!! pwede mo ba akong padalhan ng kopya dito sa espanya??? =)

Anonymous said...

Ei,bnsa ko toh last night ,kung san ako nkisleep over.kso hang s middle lang ako ng kwento ni erica..sa akin n lang ung copy.lolz

Jel said...

waaaa gusto ko ng copy.. pahingi naman hehe

 

Blog Template by YummyLolly.com