Alam nyo yung feeling na nakita nyo ung isang tao tapos malulungkot kayo kasi di naman sya mapapasaiyo?
Yung tipong too near yet so far? Tipong loving at a distance lang? Ung alam mong match made in heaven kayo, pero rivers, mountains, valley and dragons ang kelangan nyong tawirin para makuha lamang sya?
Ganun naramdaman ko nung nakita ko si Choco.
Feeling ko sya na talaga ang para sa akin. Pero sino ba naman akong ponsyo Pilato na makakakuha sa kanya. Isang hamak na bipolar na may ADHD pa.
Walang pag asa.
Kung baga sa kanta, they’re Xbox’s and I’m just an Atari.
At kung ikaw ung tipo nung college na may Org tapos may pa-cake raffle tickets na kelangan mong ibenta, tapos bibilhin mo lahat at ibebenta ang ISA, hindi ka pa din mananalo at ung piso ung binili un pa nanalo. Malas mo lang talaga.
Kaya never ako umasa. Ayaw ko na madisappoint. Sa bagay, nakisali naman talaga ako sa karera bilang suporta, hindi bilang manalo. Pero un nga lang, na LAPS ako kay Choco.
Dagdagan mo pa nung nilait lait nung tatay ni Choco ung handog ko. Kesyo pangit daw, overedited, sabi ko naman, aba! aba! aba! pasensya, na ”Ohhh Shiny Moment” lang ako nung nakakaita ako ng online editor, nasobrahan ata. LOL
Kaya imaginin nyo nalang ang tuwa ko nung sa kaka-click ng refresh (AMP patagal patagal pa talaga ang kups), tapos dahan dahan sa pag scroll...
Kabog. Kabog. Kabog. Lubdub. Lubdub. Lubdub.
Tapos makikita ko ung pangit kong pic.
Napaisip ako, panaginip nga lang ba ung sinuhulan ko lahat ng Judge? Minsan ko kasi plinano imessage silang lahat at sabihing, ”magkano ka?” Eh ang kaso, wala akong kilala sa kanila. Iisa lang. Di mo pa magogoyo ung isa. Kaya sabi ko sa mga goons ko, wag na lang. Baka makasuhan pa tayo ng graft and corruption at cheating sa elections. Di pa tayo makaalis ng bansa gaya ni GMA. Pwede ko din namn pala silang ipa papatay lahat, tapos magpapaka Ramona Revilla lang ako. Ganun. Pero lalo naman akong di makakakuha ng mana nun.
Kaya ayun.
Napatumbling, isang cartwheel, isang chinese garter jump, isang tumbang preso throw, isang planking at isang owling ang aking nagawa nung nalaman kong akin na sya.
OA na alam ko kaya ititigil ko na.
Kaya sa mga hurado, salamat salamat. Pasensya na kung wala sa kalingkingan ng pagka propesyunal potograper ung entry ko lol.
At sa nagpakontes, IKAW NA! 81 contestants? Ikaw na sikat. Lol.
Un lang po.
Lesson learned? Sa mga na LAPS sa buhay. Wag magpapaepekto sa pangit nyong itsura. Itigil ang pag tingin sa salamin at tingnan ang kaibuturan ng inyong puso. Makakakita naman kayo ng mga panget na may kaholding hands na maganda't sexing bebot sa daan at masasabing there’s TRUE LOVE.
Kaya wag mawalan ng pag asa. Time is Gold kung baga.
Aytenchu bow.
______________________________________________________________
P.S.
Dahil tinuturing kitang sibling in crime (di namn kasi tayo nalalyo sa height), papahiram ko sayo Roro (Ro anne) si Choco pag uwi mo. Photocs ulit tayo ng mga cute nating mukha. Nasakin nga pala coin purse mo. Ipangbibili ko ng film, sana makaabot hahaha! Lol. Jowk lang isosoli ko sayo. :P
8 mga umutot:
congrats Poi!
pakilala mo kami kay Choco sa Baguio ah! :))
dahil dyan, may gagamitin ka na sa baguio! :D
@madz: yeyyy! haha! salamat madz! :P
@Bino: tama! :P
Eh di IKAW na talaga! Lols.. Pahiram kay Choco, pwede? :P
Naisahan ka lang ni bulakbol tsk tsk.
Venetian kapalit ni choco tsk tsk lol
Kahit ipambili mo na ung coins basta paki-tago ung coin purse kasi bigay un sakin ng tatay ko. Tnx
roro (parang bapor)
Congrats! :D
Congrats marami :) Ahee peram din! Heehee
@ate Nini: hahaha papahiram ko next week! :P
@Roro: hehe may sentimental value pala ang lalagyan ng coins, kelangan ingatan. sige sige I'll guard it with my life. :)
@empi: haha salamat!
@zyzy: see you next week!
Post a Comment