"Me kadate ka na sa balentyns?"
nakanampucha! asa tindahan ako nung isang araw at ito ang topic ng mga estudyante ng Trinity college sa may malapit sa St. Lukes.
Kelangan talagang maghabol sa balentyns? sabagay, kung bigo ka nung pasko, baka sakaling makabingwit ka ngayon sa pebrero.
Pero di gaya ng ibang pebrero, sobrang init ng panahong ito. Ung literal na init ha.
(warning, private jokes ahead)
At dahil sa weirdo ang mga kaibigan ko, mga ayaw sumabay sa norms, iba ang hinabol nila. Hinabol nilang magpaka single sa balentyns. Sila Chinchin nalang ang natitirang buhay, go! go! Pero ang iba, gaya ni gym-adik-mahilig-magpaiyak-hearthrob na kakabreyk lang ay nagvow na isang taon syang walang paiiyakin (gud luck! eh panu ung german), at ni writer-turned-public-kissing-guru na kakasingle lang din kasi carreer muna daw uunahin (whatever, pero susuportahan kita dyan) na after ten years ay nakikinita kong single padin at lalo pang tumaba pero me palanca award na. Tapos ang Peter-pan-center-of-the-solar-system-moving-around-with-are-the-*** ay kumakarir na ng wendy at ang baby *&^$% nya ay hinahayaan nalang sumuka magisa (shet sorry kay baby *$&%^! di ko napigilan!). Ang Kuya-ng-bayan-na-nagbibinata ay di parin namin mahagilap kahit saan. Ang bruneiyuki-all-time-gigolo naman ay mukhang me bago nanaman, di ko na nasasaulo ang mga pangalan sa dami, iba iba each week ata. Ang DJ-in-da-house naman ay kinabog lahat ng experience ng lahat ng nabanggit ko sa taas.
Bakit bako nagbblog ngayon ng napakawalang kwentang bagay? ewan ko. Por a change lang.
Pero para sa inyo, ito masasabi ko:
una, wag maghanap ng kadate online, ung tipong magaadvertise pa ng "sinong libre sa..." unless kaibigan nyo na yun, itext nyo nalang.
pangalwa, tama na ang pagtambay sa gateway, wala dyan ang future mo.
pangatlo, hayaan mo nalang na panira ang trabaho sa social life. mas madali kumuha ng lablyp pag me pera ka (magastos makipagdate, diba bset?)
pang-apat, kung kakabreyk mo l ang, tama na ang drama, pain only lasts a few minutes, anything after that is self inflicted.
pang-lima, mag diet ka naman! half rice tayo lagi, keri mo?
pang-anim, since single ka, o kung di man, magpakita ka padin sa mga single mong pwends. wag madamot sa oras.
pang-pito, kung yayain ka sa videoke, please lang, wag kantahin ang "sana'y maulit muli" or "I'll be" hindi nyo theme song yan.
pang-walo, wag nang maghalungkat pa ng mga numerong di mo man matandaan kung sino sa phone book mo, malamang nareject mo na yan dati at di mo lang nabura ang number, maghanap ka nmn ng bago.
At kung nabaduyan kayo sa yotyub video sa taas eto nalang sa baba:
Ay basta, saka na lang ako magbblog ng matino, ganito ang itsura kasi last week ng opisina ko, MAGULO! Me mga box na kalahati lang ang laman at halo halo na ang nasa loob kelangan ko pang pagsunod sunudin ang mga pahina. more than isang araw ko ata natapos mag repack. So, hanggang ngayon nawala na ung mga box, pero magulo padin. Kaya pagpasensyahan nyo muna ang wlaang kwentang post na ito.