Powered by Blogger.

Wednesday, January 18, 2012

Limang klase ng kaibigan na kelangan ng Freshies

image source

Lumabas na ang UPCAT results:

http://upcat.up.edu.ph/results/


Lumabas na din UST results:
http://myuste.ust.edu.ph:8888/admission/results.jsp


Lumabas na din La Salle results:
http://www.dlsu.edu.ph/admissions/undergraduate/entrance.asp


Kaya, may payo ang opismate ko sa mga freshies? Para maka-survive ka sa college, kelangan makahanap ka ng limang (5) klase ng mga kaibigan. Madalas, sa pagbuo ng isang barkada, ito ang mga dapat isaalang-alang. Pwedeng overlapping ang roles, pero dapat lahat ng lima na un ma-satisfy. Para sa kahit anong pagsubok, makaya mo sa loob ng kolehiyo.


Una.


Ang Kaibigang dikit. Sya ung lagi mong kasama sa lakwatsa, sa kalokohan. Sya ung una mong napapagsabihan ng sikreto.


Pangalwa.


Ang katabi mong nagpapakopya. Sya ung pag di mo nagawa ang assignments mo, sya ung maasahan mo na magpakopya sayo. Sya din ung sa tuwing exams, willing ipakita at igilid ang papel nya para makita mo. Sya din ung minsang napapasahan mo ng sulat sa crush mo sa kabilang row. Pero tandaan, hindi lahat ng nagpapakopya matalino (refer to pangatlo). Madalas, sila lang ung maloloko.


Pangatlo.


Ang matalino na pwede kang turuan. Konektado ito sa pangalawa. Pero hindi kasi lahat nagpapakopya, at hindi lahat ng nagpapakopya matalino. Pero mas madali kung may isang matalino na bago mo pa man kailanganing kumopya, ay willing ka muna turuan. Sya ung namumuno ng group reviews. Sya ung achiever. Sya ung laging may medalya.


Pang apat.


Mayamang nanlilibre. Ito ang di pwede mawala. Pano na sa lakwatsa, kailangan may lagging taya. Sya ung napapagutangan mo pag nagamit mo na lahat ng allowance mo pero kailangan mo pang magbayad ng photocopy. Madalas idadamay ka na din nya sa photocopy.

At Pang Lima.


Ang utusan. Kung may di pwede mawala, sya naman ang di pwede maiwan. Sya ung taga bitbit. Taga bili ng merienda. Taga sulat minsan tapos iphophotocopy ng lahat. taga bili ng materials sa projects.


Kung wala ka naman sa skwelahan, pwede mo pa din ito pag pulutan ng aral sa pag buo ng barkada mo.


O kung may barkada ka man ngayon… alin ka dito?

7 mga umutot:

Rence said...

ako yung pangatlo

bulakbolero.sg said...
This comment has been removed by the author.
the geek said...

sige nga, sabihan mo ako kung asan ako sa lima. :)

Lalah said...

ako yong una!! hehehe whats good with friends yong real one talaga is they laugh first at ur katangahan bago ka nila tulungan. ive experienced it, nong nadapa ako, pinagtawanan muna ako bago ako tinulungan!! hahaha

Pooh said...

Ako yung una at pangatlo. Mahilig akong gumala at sumama sa lakwatsa. Haha.. At hindi naman ako sobrang matalino, pero mahilig lang akong magshare ng knowledge. hihi..

meron nakong pang apat at panglima. LOL.. Ayoko magkaroon ng pangalawa. Nagpapakopya o nangongopya, cheating yun eh. In school and in life, I hate cheaters.

bulakbolero.sg said...

dahil naging spam ata yung mahaba kong post. uulitin ko ulet.
---


Sa tingin ko mas malawak pa sa listahan mo yung klase ng tropa. Siguro yung nakasulat ay yung madalas lang makita. Bawat isa kase may kanya kanyang katangian at kung pano sya nagiging bahagi ng isang grupo. Dun sya nagiging espesyal.


Pano kung di mo laging nasasabihan ng sikreto?
Kung di matalino at wala makopya?
Kung walang panlibre at di mautusan?

Pero kung mayrambulan, andyan parati handang mabangasan para sa tropa.
Pag may liga ng basketball maiiba ang play at magkukulang ang line-up kung wala sya?
Kung sya yung mahilig magkwento lalo na pag-inuman?
At sya ang laging handang magpasa ng tagay sa pagtrotropahang tunay?


Sorry di ako naniniwala sa (pangtapos) ng post mo. Para sa akin, di binubuo ang tropahan. Di kelangan humamap ng miembro na swaswak sa ugali mo o sayo mismo.
Ang tropa parte ng buhay yan. Parang parte ng katawan na pagkulang o wala sya, di kumpleto at di normal. Ano man ang parte nya sa isang tropahan.


Hinabaan ko talaga, tingnan ko kung nag-iiskip read ka ng comment. Lol.

jhengpot said...

dun ako sa una.. haha.

tawa much ako dito. winner ang paghello ng tonsil ko! pak na pak ito! lols

 

Blog Template by YummyLolly.com