Powered by Blogger.

Wednesday, January 18, 2012

Limang klase ng kaibigan na kelangan ng Freshies

image source

Lumabas na ang UPCAT results:

http://upcat.up.edu.ph/results/


Lumabas na din UST results:
http://myuste.ust.edu.ph:8888/admission/results.jsp


Lumabas na din La Salle results:
http://www.dlsu.edu.ph/admissions/undergraduate/entrance.asp


Kaya, may payo ang opismate ko sa mga freshies? Para maka-survive ka sa college, kelangan makahanap ka ng limang (5) klase ng mga kaibigan. Madalas, sa pagbuo ng isang barkada, ito ang mga dapat isaalang-alang. Pwedeng overlapping ang roles, pero dapat lahat ng lima na un ma-satisfy. Para sa kahit anong pagsubok, makaya mo sa loob ng kolehiyo.


Una.


Ang Kaibigang dikit. Sya ung lagi mong kasama sa lakwatsa, sa kalokohan. Sya ung una mong napapagsabihan ng sikreto.


Pangalwa.


Ang katabi mong nagpapakopya. Sya ung pag di mo nagawa ang assignments mo, sya ung maasahan mo na magpakopya sayo. Sya din ung sa tuwing exams, willing ipakita at igilid ang papel nya para makita mo. Sya din ung minsang napapasahan mo ng sulat sa crush mo sa kabilang row. Pero tandaan, hindi lahat ng nagpapakopya matalino (refer to pangatlo). Madalas, sila lang ung maloloko.


Pangatlo.


Ang matalino na pwede kang turuan. Konektado ito sa pangalawa. Pero hindi kasi lahat nagpapakopya, at hindi lahat ng nagpapakopya matalino. Pero mas madali kung may isang matalino na bago mo pa man kailanganing kumopya, ay willing ka muna turuan. Sya ung namumuno ng group reviews. Sya ung achiever. Sya ung laging may medalya.


Pang apat.


Mayamang nanlilibre. Ito ang di pwede mawala. Pano na sa lakwatsa, kailangan may lagging taya. Sya ung napapagutangan mo pag nagamit mo na lahat ng allowance mo pero kailangan mo pang magbayad ng photocopy. Madalas idadamay ka na din nya sa photocopy.

At Pang Lima.


Ang utusan. Kung may di pwede mawala, sya naman ang di pwede maiwan. Sya ung taga bitbit. Taga bili ng merienda. Taga sulat minsan tapos iphophotocopy ng lahat. taga bili ng materials sa projects.


Kung wala ka naman sa skwelahan, pwede mo pa din ito pag pulutan ng aral sa pag buo ng barkada mo.


O kung may barkada ka man ngayon… alin ka dito?

Sunday, January 15, 2012

Sadness


“You cannot protect yourself from sadness without protecting yourself from happiness.”


― Jonathan Safran Foer

---------------------------------------------
I'll be back from blogging once I'm ready. I'm just not in the condition to write anything yet. Just wanted to let everyone know that I'm still alive. Assuming you care. :P

Peace out!
 

Blog Template by YummyLolly.com