Kanina pako umiiyak. At hindi namn talaga ako iyakin.
Bakit ako umiiyak? dahil sa trabaho. Sa limang taon ko sa medical research, alam ng lahat na kulang nalang sa opisina ako tumira. Though minsan talaga nag home based ako at para lang akong helpdesk na naka 24/7 online lalo na pag may telecons ng madaling araw kasama ang foreign counterparts.
Sa ilang taon ko sa industriyang ito, ngayon lang ako napaiyak ng ganito. Ayaw ko kasi na may masasabi sa trabaho ko. Ayaw kong mapupulaan. Kahit may mga pagkakataong tinatamad talaga ako at petiks lang, babawi naman ako ng todo todo sa kalaunan. Pero gaya ng pagkakataon ngayon, may pasyente na kelngan ko ialis sa study. Wala naman ako magawa kasi un ung sabio ng kano kong mga boss. Syempre nagalit si doc. Naintindihan ko naman pero ang kinaiyak ko lang talaga nung sabihing hindi daw ako makontak at parang napa inutil ko namang mag manage ng study. Syempre hindi nman nya un sinabi verbatim, pero un lang naipahiwatig nya.
Naiyak ako dahil wala akong kalaban laban o kontrol naman sa sitwasyon. Ayaw ko ng ganong feeling.
Ay basta, ang dami kong naka line up na post at hindi ko talaga gustong gawing online journal tong blog ko. Kung mapapansin nyo, konti lang about personal life maliban sa family ko ang laman ng blog na to. Pero hindi ko mapigilan. Siguro maliban sa mga random thoughts ko, mas makakakita kayo ng mga personal updates nadin sa buhay ko next year.
Ano mababago sa susunod na taon? Madami.
Syempre dadating na si Mik, mukhang madaming parties nanamn na gagawin, at mukhang mas magtatantrums ako ng mas madalas, sana lang may kabinet sa kung saan ako abutan ng tantrums ko. Kung hindi nyo alam ang storya ng kabinet, maswerte kayo. haha.
Yun lang. Ang saya ng pasko na ito. Wala pa din akong nabibiling regalo sa kahit kanino. Pero sa mga kaibigan ko, alam nyo naman na sobrang mahal ko kayo. Pwede namn ako magbigay ng regalo kahit hindi pasko. Actually mas madalas ko namang iparamdam na spesyal kayo pag walang okasyon (me ganon? drama lang amf! haha).
O sya, o sya. Maligayang pasko ulit.
Bot Nulis Telegram
3 years ago
8 mga umutot:
Aw. I know the feeling.
Okay lang iyan, magiging maayos din iyan.
Maligayang Pasko. =)
aaaaaaaaaaw hugsies kuya... hayaan mo pag nagparty tayo magdadala ako ng portable cabinet hahahahaha
maligayang pasko... yaiy
@Tsina: salamat salamat. at maligayang pagtapak sa aking kubeta.
@YJ: haha. gusto ko ung mga parties mo actually. mas masaya. madaming nangyayari. sawa nako sa mga wholesome na parties LOL. joke lang.
mukhang alam mo din history ng kabinet. hahaha!
dumadating talaga ang mga ganyang pagkakataon, pero lumilipas din! hahanapin ko nga ang storya ng kabinet, so intriguing! haha!
kahit na naiiyak ka, MERRY PASKO PARIN PARA SAYO! =)
poweeeeeeeeer hugs! :D
dahil andun ka nung mga panahong ako naman ang namublema sa career ko, sisimulan ko nang gawan ka ng aparador!
NYAHAHAHA!
hindi naman mahal yun, hindi naman magastos sa kahoy ang height mo eh. nyahahaha!!!
happy holidays! love you kuya poi!
intriga! NYAHAHAHAHA
@rosemarie: haha wag na, baka pagtawanan mo lang ako pag nalaman mo storya ng kabinet.
salamat salamat. :P
@erick: baliw ka! haha. at kelngan talagang manlait? humanda ka. :P
Maligayang pasko sayo Kuya! Wag ka nang malungkot. Hugs from your friendly neighborhood blogger. Sana masaya ka ngayon. :D
Late reply, masaya naman siguro Christmas mo, with family and friends around. Think of it as a challenge, so sa susunod, alam mo na ang gagawin mo. Happy new year po!
Post a Comment