(si button, di ko kuha, kuha ng iba)
Medyo di ganon kasaya ung July ko kaya akala ko ganon din mangyayari sa August ko.
Nagsimula nung dumating ako ng KL, Sabado na nun, naiwan ko ung jacket ko sa car service. Paborito ko pa namang jacket un. Black na may mapa ng Pinas.
Pero habang tumatagal, parang onti onting nagiging ok mga araw ko. Isang sorpresa pala ang unang lingo ng August.
Sa lahat ng meetings ko, ngayon lang ata ako nakalakwatsa ng ganon. May mga bata kasi kaming kasama. Energetic pa sa mga layasan. Napilitan tuloy makisabay ng tuhod kong umaaray.
Tatlong araw kaming lumalamon, lumalayas, at nag pipiktyur piktyur hanggang sa matapos ang lakwatsa at trabaho naman. Saka na detalye. Ilalagayko nalang sa food reviews ko.
Myerkules habang nasa isang lecture, biglang bumalik ang aking jacket.
Simula na nga ng adventure.
Thursday ng hating gabi, nag bus kami papuntang Singapore. Sa daming beses kong bumisita dito, akala ko payapang dadaan ang weekend na alaalang pwede namang makalimutan ang baon ko paguwi, sa makatuwid, boring.
Mali nanaman ako.
Naglakwatsa nanaman kasama ang mga batang ka-opisina. Lumamon at nagpiktyur piktyur ulit sa Sentosa.
Byernes lang kami magkakasama. Kanya kanya na kami pagkatapos hanggang makabalik ng Malaysia.
Huwebes palang sa isang katropa na ako nanggulo. Wala kasi din akong matutulugan.
Tawagin natin si katropa na Kups. Wala lang. May topak din kasi gaya ko.
Sabado, wala akong plano kundi pumunta ng Funan, isang mall na puro electronics ang laman. Langit para sa akin ang lugar na puno ng gadgets.
At dahil mall, hindi ko binalak na gumising ng maaga. Tulog at bulagta at malamang humihilik pa.
Nang may marahang tapik ang gumising sa aking ulirat.
Si Kups.
Nakatingin lang at may tinurturo.
Kupal talaga, di man lang nagsalita. Pinahirapan pa akong lumingon sa kung anong tinuturo.
Laking gulat kong isang cake ang nasa tabi ng higaan. May kandila pa.
Talo pa tubig na panggising, di ko napigilang ngumisi.
Pambawi daw sa malungkot kong birthday.
Kupal talaga. Gusto pa ata akong paiyakin. Di nya alam un lang ang cake na natanggap ko ngayong taon. Walang cake nung birthday ko. Walang kandila.
Kumag talaga. Ampotah si Kups. Ang sweet.
Paglabas ko ng kwarto, may home made pandesal na niluto ng mountaineering na kasama ni kups sa bahay. Tawagin natin syang Astig girl. Sexy si Astig girl. Di naman payat pero may tamang kurba. At astig nga sya dahil sporty sya.
Kasama nila sa bahay si Button (botbot), isang Shih Tzu na pinagkamalan ata akong fucking doll. Maliban sa “sit,” ang isa pa atang alam nya ay kantutin ang binti ko. Pagka kyut na aso.
Papuntang Funan, napagdesisyunan kong kumain sa Ding Tai Fung. Paborito kong kainan ng Dimsum. Umorder ako ng madami, dahil nga gusto kong ilibre si Kups. At patikimin sya ng Awfully Chocolate. Pambawi man lang.
Pero di natinag si kups. Ako pa ulit ang nilibre. Eh ang dami ko kayang inorder. Mahal. Kaya siguro sumama ang tyan pagkatapos. Haha. Loko talga. NApatae pa tuloy sa Nex mall.
Kaya un. Masaya nanaman ako. Libre pa tanghalian ko, sa paborito ko pang restawran.
Mula Funan hanggang Nex mall, napuno lang ako ng tawa.
First time ko lang ulit ata naging kampante.
Tamang kulitan. Tamang gaguhan. Tamang asaran.
Di kelangang magpa ka witty. Di kelangang magpaka sosyal.
Tamang ako lang.
Kaya sa pagalis ko ng Sg, napagtiba nanaman ang pagkakaroon ko ng mga baliw na katropa. Mga kasangga. Ang layo nga lang. Haha.
Puyat man sa bus pabalik ng Malaysia, at sa eroplano pabalik ng maynila, napuno naman ng isang linggo ng August ang di napuno ng Hulyo.
Sa iyo Kups, salamat sa pagpapatuloy sakin sa iyong lungga. Salamat sa wifi, salamat sa aircon. Salamat din kela Astig girl at kay Auntie at Uncle na nagpatuloy sakin sa bahay nyo.
Di ko na babanggitin ang pangalan mo, sabi mo kasi baka panira sa imahe mong Kupal. Malamang, may pakeyk keyk ka pang nalalaman. Sira ka talaga. Tapos tatae ka pa sa mall. Hahaha!
Yaan mo, sa susunod, babawi ako. Wag lang tour package ng kung saang bansa. Pwede tour bus nalang. Haha!
Salamat kups.
Salamat August.
Buhay na naman akong babalik trabaho sa maynila.