Pag konti lang ang palaman at pilit mo pang pinapahid sa napaka lapad na tinapay, madalas ang kalalabasan, WALANG LASA.
Minsan, tyempong ganyan ang baon ko nung elementary, ga-hangin na palaman, lasang tinapay lang, malungkot, busog ka pero di ka masaya.
Eto siguro ang ibig sabihin ng “spreading yourself too thin.”
Oo, ganito ako gumamit ng analogy, kelangan sa pagkain. Di halatang masiba ako at ngayo’y nananaba.
Balik tayo sa topic. Un nga, feeling ko ang buhay ko ay walang lasang sandwich. Lahat gusto kong gawin. Lahat ng bagay at tao ay gusto kong bigyan ng oras. Sa huli, bitin ka na, lugi pa sila.
Sa lahat ng sinubukan kong matutunan, walang nagtutuloy-tuloy. Gitara, piano, drawing, mandarin, MS (masters), etc.
Jack of all trades, master of none kung baga.
Dati may plano kami ni bespren na humanap ng magagawa for “self-development.”
Asan na nga ba si self-development?
WALA.
Nagising nalang ako at napagtanto na napag iiwanan na ako ng biyahe. Kung baga, bumababa na ang market value ko (choz). Well, tumataas man ang posisyon sa trabaho, pero hindi nmn kasi dun umiikot ang buhay. At malay nyo ba kasi din sa trabaho ko, kahit iexplain ko hindi nyo maapreciate.
Sa ngayon, sinusubukan kong balikan ang mga nasimulan.
Kumuha na ako ulit ng Mandarin tutor. Magagamit ko din naman ito sa trabaho. Sayang lang ung mga natutunan ko dati na tuluyan nang naglaho.
Pag aaralan ko din kung anong pwedeng maging business. Ayaw kong tumanda na empleyado pa din. Sayang naman ang mga naipon ko kung gagastos nanamn ako ng kung ano ano. I vow to spend on investments. Tama na ang active income, hahanap nako ng passive income.
Saka nalang ang magarang sasakyan, di ko namn kelngan pumorma, sakit lang sa ulo un.
Eto nalang muna priorities ko.
Self/ Life development.
Para magkalasa ang sandwich ko. At para maging yummy din ang sandwich, maggym na ako.
Para maging ala club-house sandwich. Na may umbrella toothpick.
WAPAK!