minsan ako'y nalungkot
ulo ko'y pagka bugnot
pilit kong ngumiti
ngunit simangot ang ganti
inabot sakin, ni kuyang masungit
drowing na nagpangiti sa mukha kong pangit
ang simangot ay naging ngiti
ang galit napalitan ng kiliti
Nung isang araw, wala nanaman ako sa mood. Wag nyo na itanong kung bakit, madalas di ko din alam. Naghalungkat ako ng mga gamit at bigla kong nakita ung drawing na binigay sakin ng isang kuya. naalala ko tuloy kung pano nila pagtyagaan ang aking mga mood swings.
Ibang klase din naman kasi ako topakin. Pag nagtantrums ako, tantrums talaga, talo pa bata. Aminado din naman akong nakakainis na minsan. Pero un nga. Ganun talaga initial reaction ko. Swerte ko nalang may mga kaibigan akong natutunan nang hindi ako pansinin. Pero un lang, pag di ako pinansin lalo akong nagpapapansin. haha!
Minsan sa isang party nagmukmok ako. Naisip ko ung sinabi ng isang hindi dumalo. Medyo nosebleed ung words na ginamit pero ung thought, isa lang namn daw syang insignificant being sa group na un at wala namang mawawala kung andun sya o wala. Naisip ko lang, ganun din siguro ako. So ang ginawa ko? tinitigan ung butterscotch ng isang kaibigan, nagkataon lang na nasa loob ng cabinet so andun din ako sa medyo loob. Eversince, pag nawawala ako sa isang private party, una nilang tinitingnan ung cabinet. Nakakahiya pero un nga.
Minsan pa kaaway ko nanaman bespren ko, eh nagkataong nag beach kami. Si kuyang nagbigay sakin ng drowin ung nagbabantay sakin lagi eh considering na ang liit liit ng pasensya nitong taong to. Sabi nga nung makauwi kami, kung hindi nyako siguro kaibigan matagal na nya akong nasapak. Eh nagygym pa namn un dati.
Recently, nagparty ulit. Nauna kasi ako humiga bilang madali ako mahilo sa alak, so nung dumating na silang lahat sa kwarto, ang ingay. Lumabas ako at naghanap ng iba pang kama sa kabilang bahay. Medyo bukid kasi at may tubuhan. Narinig ko nalang bigla may tumatawag ng pangalan ko at papunta sa direksyon ng mga tubuhan. Napilitan tuloy akong lumabas at tanungin kung ano nanaman ang inakala nila. Mukha na ba akong baliw na mageemo sa tubuhan at dun mag mumukmok? hahahaha.
Natatawa ako kung gugunitain, pero sa totoo lang may napagtanto ako.
Ang swerte ko sa mga kaibigan. Wag lang sana maubos pasensya nila sakin habang buhay pako. Pero kung sakali, baka sila mismo ang pumatay sakin. haha.
May atraso pa ako dun sa kakapunta lang ng kalinga, sa pagbalik nalang nya ako babawi. haha!
un lang. ayaw ko gumawa ng sobrang cheesy na ending, baka mabuhusan pako ng kumukulong kandila ng dun sa isang galit sa mga daga.
Hay toxic. Boarding na. Iloilo ulit. Tataba nanaman ako. haha!
P.S.
Hulaan nyo kung sino nagdrawing nyan. haha.
11 mga umutot:
shit! alam ko iong drawing na ito. magkasabay kaming nagbigay ng drawing na ito eh. kundi ako nagkakamali...si dabo! hehehe
dont worry nasanay na kami. baka ikaw ang di masanay kapag hindi na namin pinapansin ang tantrums mo! lol
ganun talaga pag true friends, thue shit and thin, maiintindihan nila. kahit ang pinakawirdong kamalian mo ay matatanggap nila.
ingatan mo sila, hirap maghanap ng ganyan.
tc
oi oi... bili mo ko piyaya. sa iloilo ba yon? haha. sorry di ko alam. parang gusto ko lang piyaya.
ako naman, minsan iniisip ko sino kaya ang tunay na kaibigan. kase ako, hindi ako madalas makipagusap sa isang tao... kaso pag naging constant ko na syang kausap. tinuturing ko na syang kaibigan. ganun ako. pero dun ang malaking pagkakamali ko, kase minsan ang akala ko kaibigan ko, hindi pala kaibigan ang tingin sa akin.
wow ilongga ka pla penge pasalubong ha wag k na mgtantrums mhirap mgkawrinkles hehehe
wag kang mag alala. mejo acceptable pa naman yung kacheesyhan mo kumpara dun sa mga over the top na kakilala natin. XD
redt
pero just in case may nakatabi akong spare candles sa bahay
well well well..hoh hoh hoh..
ayan namiss kita. sa saturday major major hugs.
@ewik: haha oo sabay kayo nagbigay ng drawing. ung sayo may iba akong plano. magugulat ka pag balik mo.
@khanto: oo naman iniingatan ko sila, lagi ko nga silang binubully eh. hahaa.
@bulak: piyaya, sige noted, haha.
@rico: haha work lang ung iloilo. natawa ako sa ilongga. haha!
@redt: nawala ko ung picture ko nung daga, ipopost ko sana haha.
@dabo: hahahaha!
Bakit nakakataba sa Iloilo? Ano masarap na pagkain don?
Awww.. those are your true friends. Alagaan mo silang mabuti.. at wag masyadong ma-tantrum. kasi baka maubos pasensya nila. whehehehe!!!
Anyway, I agree with the quote sa drawing.. NO matter how you feel, get up, dress up and show up. Tama yun.. Kasi kung magmumukmok ka lang sa kwarto mo (comfort zone mo), eh walang mangyayari.. :)
Anyway, sabi mo work mo sa Iloilo? Sana man lang, kinontak mo ako. magpapalibre sana AKO ng jolibee. haha.. joke.
P.S.
Thingswelovetohate - Food sa Iloilo? I'd recommend the original Ted's lapaz batchoy. Sarap.. and the barquillos, and the puto.. and the orig Mang Inasal.. andami pa. Pag mapunta ka dito, try mo lahat ng food. hehe..
wow... i wish to go there in iloilo...haaay
wow! iloilo ang topic? fine maggagawa na nga ako ng reviews ng pagkain dun! haha!
salamat sa pagdaan Oyen!
ayan nabigyan kapa ng advise ni ate leah! hahahaha!
waaa onga taga dun ka nga pala ate leah! sige text kita pag napadpad ulit ako dun.
@japadobo: punta na! (DOT) haha
Post a Comment