Powered by Blogger.

Sunday, March 27, 2011

Sandwich spread

Pag konti lang ang palaman at pilit mo pang pinapahid sa napaka lapad na tinapay, madalas ang kalalabasan, WALANG LASA.


Minsan, tyempong ganyan ang baon ko nung elementary, ga-hangin na palaman, lasang tinapay lang, malungkot, busog ka pero di ka masaya.


Eto siguro ang ibig sabihin ng “spreading yourself too thin.”


Oo, ganito ako gumamit ng analogy, kelangan sa pagkain. Di halatang masiba ako at ngayo’y nananaba.


Balik tayo sa topic. Un nga, feeling ko ang buhay ko ay walang lasang sandwich. Lahat gusto kong gawin. Lahat ng bagay at tao ay gusto kong bigyan ng oras. Sa huli, bitin ka na, lugi pa sila.


Sa lahat ng sinubukan kong matutunan, walang nagtutuloy-tuloy. Gitara, piano, drawing, mandarin, MS (masters), etc.


Jack of all trades, master of none kung baga.


Dati may plano kami ni bespren na humanap ng magagawa for “self-development.”


Asan na nga ba si self-development?


WALA.


Nagising nalang ako at napagtanto na napag iiwanan na ako ng biyahe. Kung baga, bumababa na ang market value ko (choz). Well, tumataas man ang posisyon sa trabaho, pero hindi nmn kasi dun umiikot ang buhay. At malay nyo ba kasi din sa trabaho ko, kahit iexplain ko hindi nyo maapreciate.


Sa ngayon, sinusubukan kong balikan ang mga nasimulan.


Kumuha na ako ulit ng Mandarin tutor. Magagamit ko din naman ito sa trabaho. Sayang lang ung mga natutunan ko dati na tuluyan nang naglaho.


Pag aaralan ko din kung anong pwedeng maging business. Ayaw kong tumanda na empleyado pa din. Sayang naman ang mga naipon ko kung gagastos nanamn ako ng kung ano ano. I vow to spend on investments. Tama na ang active income, hahanap nako ng passive income.


Saka nalang ang magarang sasakyan, di ko namn kelngan pumorma, sakit lang sa ulo un.


Eto nalang muna priorities ko.


Self/ Life development.


Para magkalasa ang sandwich ko. At para maging yummy din ang sandwich, maggym na ako.


Para maging ala club-house sandwich. Na may umbrella toothpick.

WAPAK!

10 mga umutot:

Madz said...

hmmmm nakakarelate yata ako dito...hehe

pagsusulat nga lang yata ang di pa nawawala sa mga nagustuhan kong gawin.

Mugen said...

Kung ikaw nahuhuli na sa biyahe, paano pa kaya ako. Lolz. Wala pa akong plano in mind. Hindi ko alam kung saan ako magbuibuild up. Hehehe.

khantotantra said...

ahahaha. kulit ng comparison between life. Ako siguro sandwich na nasa gilid lang ang palaman pero sa gitna, empty. :(

jonathan said...

kailangan ko ng tinapay kasi puro ako palaman :)

Poipagong (toiletots) said...

@Madz: hehe mahirap mawala ang pagsusulat lalo na kung parang second nature nalang sayo un. kahit pa magsara ka ng blog, magsusulat at magsusulat ka padin. :P

@k.joms: well, alam mo, sa tingin ko, you have all it takes to do do anything you want. kung baga, hindi ka nmn nahuhuli sa byahe, pero kung bigla kang bumyahe, mauunahan mo pa kahit sino.

Halimbawa, ako gusto ko mag business, pero wal aakong alam, ikaw feeling ko madali lang sayo kasi may talent ka na tlga to organize one. parang ganon.

haha basta. baka isang post pa maicomment ko lol.

@khanto: well, madali lang solusyon dyan. buksan ang sandwich, kumuha ng kutsara at i-spread ang palaman paloob. mula labas papunta sa loob. :P

@phi Jon: hmmm kasi mayaman ka na pero wala kang paggagastusan ng kayamanan mo? andito lang ako. *cough* akin *cough* nalang *cough* iPad mo *cough* JOKE LANG! mwah!

Dabo said...

buti na lang! gwapings ka

anyway..i share the sentiments..

Anonymous said...

sinabi mo pa hirap maging empleyado wla gaanong satisfaction

jonathan said...

ayan, kaka-work mo, nagkaka-ubo ka na, ha,ha,ha

mabuti na lang iPad and isinulat mo, hindi Pad ko :)

Poipagong (toiletots) said...

@dabo: ako? gwapings? weh? haha! pero honestly, pumapayat ka. haha.

@curioscat: eh at least ikaw madami kang investments/ mga lupang nabili na pwede mo pang gawing farm. may ready assets ka. kaya pag nagka farm ka, mag aaply ako sayo taga pamahala ng bukirin mo. :P

@phi Jon: actually inuubo na talaga ako. at hindi pa namn ako ganon kaambisyoso para mag hangad ng pad ng iba. iPad lng. gawin mo nalang akong caretaker sa pad mo since walang nakatira. haha! pero kung ibibigay mo din, why not chocnut! :P

Prinsesa BatongOrange said...

first time ko magbasa ng blog mo. first entry to na nabasa ko. ang galing nakarelate ako. hahaha. good luck sa yo. sana maging yummy-ing yummy ka nga in the future. iboobookmark na kita pra masubaybayan! :)

 

Blog Template by YummyLolly.com