Pasensya na sa mga ka-blog na alam kong nasa field na to. Sana hindi nyo masamaain kung may opinion ako na medyo pasalungat sa ilan sa inyo. Hindi ko naman nilalahat. Parang opinion ko lang din sa mga pulis at mga medreps. At uulitin ko, hindi ko nilalahat.
Pansin ko lang kasi sa mga taong kilala kong napaka bait, pinipili ang mga salita, may disposisyong akala mo nasa library ka o nasa fine dining restaurant, bigla silang nagbabago matapos mapasabak sa mga call centers.
Nagiging matalas ang mga dila. Kada kibo may kakabit na mura. Hindi ko na nga pinapansin ang yosi at inom. At may mga mata na animo’y nagiging leon pag kinanti mo. May positibo din namang dulot ito, ibig sabihin nagka ”backbone” lang sila.
Ayaw ko mang pansinin, pero tuwing tatawag ako na kailangang dumaan sa isang agent, malaking porsyento sa kanila ang talagang mahina sa customer service, ung tipong magalang ang salita pero may tonong ”bilisan mo kasi sayang oras ko,” o dili kaya’y ”ano nanaman yang pinagsasasabi mo.”Nung isang araw lang, tumawag ako sa Globe, Resh (ata) ung nakasagot. Lalake pero ang taray ng boses. Sanay naman ako kasi may kaibigan akong mataray talga ang boses. Pero pansin ko lang panay ang mute nya ng linya. So naparanoid ako kasi madalas kong marinig na kapag mi-nute nila ang linya, minumura ka na. At sa mga nakakakilala sakin, hindi pa rin ako sanay na minumura ako. Nasanay lang ako kay erick pero hindi nmn nya ako ginagamitan ng seryosong mura na tono. Pero minsan nakong namura na seryoso, naiyak lang talaga ako.
So, ayun nga. Feeling ko minumura ako kaya nag sorry naman ako kung nastress ko sya. Nung matatapos na ang usapan, nag good bye na sya pero bago pa man matapos ang spiel nya ng good bye, ”thank you for calling globe something something... call us any... tooot toooot.”
Patay na agad ang linya bago pa man sya matapos.
Hindi ako nainis pero naulungkot ako dahil dumadami ang mga taong mainitin ang ulo at (pasensya na) pumapangit ang ugali. Hindi ko naman lubusang ma-blame sila dahil alam kong napapagod din silang kumausap ng mga naggagalaiti at nambabastos na mga customer.
Ano point ng post na ito?
Sana lang pag uwi nila ng bahay naiiwan nila ang mga ugali na pilit na pinapalitaw ng demanding na trabahong un.
Sana lang kung ano mang magandang asal na naituro ng mga magulang nila, un padin ang mamalagi pagkatapos ng isang napaka habang araw nila.
Sana lang kung anong mga paggalang sa kapwa na madalas mamutawi sa mga labi nila ay hindi tuluyang mapalitan ng mga maahanghang na salita na wari mo’y machine gun kung lumabas sa mga bibig na tulo na ang laway.
Sana lang kung anong defense mechanisms ang ginagamit nila sa mga customers na di marunong gumalang, hindi nila magamit by default sa lahat ng taong makakasalamuha nila sa real world.
Sana lang kung kinuha man nila ang trabahong un para lang sa sweldo, mahanap dinnila ang trabahong tunay na makakapagpaligaya sa kanila at makakatustos padin sa mga pangangailangan nila
Sa mga magulang, sana may oras padin sila sa mga anak nila.
Sana makakuha padin sila ng mas mahabang tulog.
At sana, kung may mabigat na personal na problema ung nakausap ko, malagpasan sana nya un.
Un lang.
Bow.
17 mga umutot:
actually, it depends on the call center. May mga centers na well trained na priority ang customer kesa sa metrics though meron talaga na nagmamadali due to AHT o yung handling time. Another factor e kung bugnutin yung agent, baka di sila na train to smile while talking.
ako naiirate lang pag sobrang boploks yung mga amerikano at kapag galit sila ng wala sa lugar :D
parang pansin ko din to. pero sabi mo nga hindi naman sila lahat ganito. at sana lang din, tulad din ng sabi mo, pag uwe nila ng bahay ay iwan na din nila ung ganung ugale sa opisina.
Ako maiksi yung pasensya ko sa mga cystomer servicena marunong pa sayo, or masungit. Mas okay pa yung slow tapis polite.pero, yung slow na nga hindi pa polite majakatikim sila sakin ng, "can i have a word with your manager and give me the reference number and your complete name" lol
iba talaga kapag ang agent ang naging irate. pilitin man nilang maging polite, halata pa rin sa boses na nabuburaot sila.
regaluhan kaya natin ng salamin na pwedeng ilagay sa kanilang workstation para naman makita nila ang mukha nila kapag sumasagot sila ng calls.. c",)
ilang beses na din nangyari sa akin yan. minsan nga sinabihan pa ako, "ano gusto mong gawin ko?" ay kulang na lang lumabas yung kamay nya sa cellphone at hawakan yung kwelyo ng damit ko. nakakainis nga. minsan kahit anong ganda ng mood mo, mahahawa ka kapag ganyan ang nakasalamuha mo.
pero yun nga, intindihin na lang din natin minsan. hindi rin madaling makasalamuha ang iba't ibang ugali ng tao. :)
isa ako sa mga tao'ng nagtatrabaho sa call center at sa aking pagmomonitor sa mga calls ng agent, may mga iba na hindi nagmumute at rinig na rinig kung paano sagutin ang customer. sabagay iba iba ang ugali ng tao at we can't please everone :)
May kaibigan naman akong nung nakapasok sa call center industry ay natutong mag yosi, ubos atay na inom at naging hayok sa sex.
kahit saan field yata may ganyan e. mga staff nurse dati noong nag oojt pa ako ang tataray. hindi natin sila makokontrol sa ugali nila but we can control ourselves. pabayaan na ang mga masasama attitude, nakakapanget yun. :) basta tayo chill lang hahaha
sana...
sana nga...
saka masama lagi mainit ulo.. nakakamatay.. at nakakadami ng wrinkles hahahaha
nagpalit ka na naman ng theme kuya! hahahaha
Wala talagang modo ang mga agents ng call center. akalain mo minura din ako sa harap ng telepono ng hindi mi-nute.Tae naman nun! Sana sa pag uwi niya ay masagasaan yun ng truck.
@Denase: hala! wag naman ganun. Sinusulong ko ang kasabihang:
"Be Kind, for everyone you meet is fighting a hard battle."
http://toiletots.blogspot.com/2008/09/toilet-thoughts-on-kindness.html
okidoks? yan ang bagong motto ng bayan. :P
@khanto: madami akong kaibigan na taga callcenter, ang madrasta ko dun ding field ngayon, depende nga din, at minsan depende din sa ccount kung nakakastress talaga. hehe.
@Bulakbolero: un na nga, pero hindi ko nga din nilalahat. nakakainit din nmn ng ulo ung makipagusap ka sa mga customer na bwisit. good vibes lang sana pag uwi haha.
@Jepoy: nokonomon, toroy. hahaha! uy, pwede magpabili ng something sa mustafa? hehe jowk (half meant).
@anteros: hehe feeling ko nasa training din nmn nila un. Sa team lead nila or sa sarili nilang personality. naexperience ko palang namn to sa PLDT at Globe, one for each. pero the rest na natawagan ko ok naman sila.
@Jepoydee: Tamah! hehe. buti nalang mabait ka din lol.
@Bino: right, we can't please everyone. minsan kahit ganong galing o bait ng agent, kung sinto sinto din ang customer wala padin.
@salbehe: sumakit ulo ko sa nasabi mong "sex." haha. di kinaya ng inosente kong sarili. sige, ikuwento mo sakin yan pag nagkita tayo ulit. haha! lol.
@krn: ay totoo! punta ka sa gobyerno, mga cashier, or ung mga nasa window, akala mo kung sinong mga dyos. sus! kelangan mong magpalakas para ikaw ung entertainin. haha
@Yanah: oo nagpalit ulit ako. pero ito na ung last. siguro banner nalng if ever. haha wrinkles? ano un? lol
I notice some customer service reps' names are difficult to pronounce (in this case, difficult to understand over the phone). I always want to address them on their first names but oftentimes hindi ko maintindihan, perhaps due to their bizaare accent. Char!
ikaw na ang pinakasweet sa lahat... walang duda!
ahahahahaaha
imishu kuya.... let's hang out with the other KUYAS soon... yaiy
I was once a customer service rep, nagmumute lang me nung bago pa ako, nagcheck pa me ng resources to give exact infos sa cust. Pero same tau ng observation, mostly agents na matagal sa ganitong work, naging impatient sila, kung may maencounter clang customers na di mkagets ng instructions....Dats life! Nevermind na lang, or I say tawag ulit ^^
@mel: haha korek sa slurred slurred twangy accent. ako din gusto ko din i-addresss kausap ko by their names.
@yj: nagrereklamo kaya ako sa post na to, sweet padin? lahat nalang ng gawin ko sweet?! haha!
@Jhiegzh: ang hirap i-pronounce ng pangalan mo. oo nga galing ka nga sa BPO joke lang! haha. salamat sa pag daan!
Oops im not a call center agent pero medrep ako at nabanggit mo kami sa post na ito?
Pwede mabasa ung post mo about us?
Thanks!
Post a Comment