Powered by Blogger.

Wednesday, November 10, 2010

Mga turo ng Math titser ko sa lablyp




Iwasang mag bilang ng magbilang. Oo na, math wiz ka na pero kung gusto mong gawin, gawin mo, wag gumawa ng tally ng nagawa mo against sa nagawa nya. Hindi yan calculus na kelangan ng proof. Kumbaga sa calculator, add lang ng add, di mo kelangang pindutin ang equal sign, makikita pa din naman sa kada add mo kung gano na kadami nagawa mo.

At pakiusap lang. Wag gumamit ng MR, o Memory Recall. Tawag dun, sumbatan.

Sa subtraction me tinatawag na “cannot be, carry one” na kung saan mas maliit ang numero ng kanang dulo ng subtrahend sa minuend kaya kelangang kumuha ng isa.

Madalas sa pag bigay ng oras sa minamahal me masasacrifice. Madaming beses na kelangang himindi sa barkada kasi nagtatampurorot ng date ang iyong mahal. Kukunin mo oras mo sa sarili para ibigay sa minamahal. Keri one.

Pero me pagkakataon din namang sa mahal mo ikaw kukuha ng oras kasi importanteng mabigyan mo ng oras ang trabaho, o isang kaibigang matagal mo nang di nakikita. Kung pano lang nya iintindihin, un ang problem solving.

Kung ayaw naman ni pangga ng “carry one,” pwede din namang "plus one."


Isama si pangga, un ang “plus one.” Madalas gugustuhin ng iyong katuwang na kabuntot sya sa mga lakad. Minsan nakakatuwa, minsan hindi. Lalo na kung por da boys ang lakad. Hindi naman sa me gagawin kayong himala, pero me mga bagay na talagang sa harap lang ng mga kaibigan nyo napapagusapan.

Tamang division lang ang kelangan. Pero di pwedeng equal division. Me magagalit. Minsan pag demanding, kelngan mas malaki ang sa kanya, meron din namang di demanding at naiintindihang me iba kading mundong ginagalawan.

Pero sa totoo lang, aminin mo man sa sarili mo, minsan gusto monalang i-divide ang sarili mo. Ingat lang sa pag divide. Sa huli di na whole number ang resulta, me infinite decimal points pa. Haggard.

Sabi sa Bible, “go forth and multiply.” Ingat lang sa pagmultiply. Baka me batang mabuo, o di kaya baka bacteria o virus ang magmultiply sa kapabayaan mo. Oo, inaadvocate ko ang condom. Kung hindi mo kayang magpigil. Kung protektado ka, parang multiplication of integers lang yan. Negative times positive ay negative padin. Basta me proteksyon ka.

Oo na daig ng malandi ang maganda. Pero sa mga nagmamadaling maghanap ng kabiyak, tandaan, mahirap mag add ng fractions, hahanap ka pa ng common denominator.

Madalas, sa mga pilit makahanap ng common denominator, ang laki nang numero napuntahan ng wallet mo, basted din pala ang kahahantungan mo.

Parang graph ng hyperbola, mag gear towards the axis pero ang hirap mag meet.

Pero kung sakaling swertehin ka, wag magtaka kung mapansin mong mas mahal mo sya kesa mas mahal ka nya. Minsan may less than at may greater than, pero bumabaligtad din yan sa kalaunan, ikaw naman ang less than sya naman ang greater than. Bihira ang “is equal to”.

Pero parang graph ulit. May x-axis, may y-axis. Pero meron din naming Origin. Un ung gitna. Matuto lang kayong magpunta sa gitna, magiging ok naman kayo. Madalas ang nakakarinding payo ng nakakatanda, “compromise.”

Sa Math din siguro nakuha ang konsepto ng open relationships. Me variable kasi. Parang algebra, substitute y with a number, kung ayaw mo ng y pwede din naming isubstitute sa x, moving on naman tawag dun.

Kitams, ang daming application ng Math sa love life.

Parehas silang sinusumpa.

Parehas silang pinag pupuyatan.

At minsan, kahit anong pagsusumpa at puyat mo, bagsak padin. Ilan ba ang kilala kong nag ulit ng Math 11? Madami dami na.

Kaya naiintindihan ko kung bakit allergic sa pag ibig ang ibang tao (gaya ni ewik), parang kung pano ko kamuhi-an ang Math. Komplikado kasi masyado.

Pero di gaya ng Math, mahirap makuha ang saktong formula sa pag ibig. Iba’t ibang tao, iba’t ibang equation ang pwedeng i-apply. Hindi lahat sakto sa banga.

Pero at least kung me problem ka sa Math o sa love life, me solusyon.

At sa huli, me result ka ding makukuha.

Kahit zero pa man yan.

16 mga umutot:

Anonymous said...

natutuwa ako dito at umaagree naman ako sa lahat ng sinabi mo. lalo na dun sa mga divide divide keme. pak na pak! :P

eMPi said...

Ayos sa comparison... I agree!

Madz said...

swak na swak!

itsMePeriod said...

nakatutuwa naman ito

khantotantra said...

nice. tama ang plus one. Eto ang nagiging pundasyon ng relationship. :D

Poipagong (toiletots) said...

@jepoy: haha! nakakarelate ka? LOL

@eMPi: haha =P

@chiq: :) uy! namiss kita!

@anteros: salamat sa bisita

@Khantotera: haha madalas ding pag awayan ang di pagpayag ng plus one. lol.

Madz said...

eh ikaw ngayon ka lang kasi nagparamdam :)

KwinB said...

haaay.... pinageffortan talaga ianlyze ang lab at math... kewl. :) came by from marco's blog. :)

Anonymous said...

nakakaloka ang math at love. four letter word lang pero parehong confusing.

Trainer Y said...

akala ko duduguin ako.. keribelles lang pala.. hahahaha

Dhianz said...

naaliw naman akoh in fairness...=) i luv d' denominator part.... hay naku luv kc eh! sana nga math na lang hangluv... para naman nde nahihirapan mag-solve.. lol... peace out... Godbless!

Poipagong (toiletots) said...

@Madz: haha! Lapit na pasko, kelngan magparamdam, baka makalimutan nyo ako sa Pasko. hehe.

@Bea: maligayang pagdating! salamat kay marco naligaw ka dito. :P

@rainbow: honga no? perehas silang four letter word, kitamo un, napansin mo pa un haha.

@Yanah: dugo? *blag*

@Dhianz: haha. malayao pa kasi ang Valentyms, inadvance ko lang LOL

Anonymous said...

swak na swak, sana mabasa toh ng dorky kong boyplen^^

Poipagong (toiletots) said...

Hmmmm... @Anonymous: Do I know you? or maybe your d0Hrky boyplen?

haha! di lang siguro sana si boyplen ang may kapulutang aral dito, ikaw din. two way yan. pero ang key minsan to a peaceful relationship ay... just do your thing and don't expect too much. we can't be all equals in whatever we give out.

AJA!

joelmcvie said...

My gulay, nag-NOSEBLEED ako! Maawa ka naman sa mga MassComm majors na mahina sa maaaaaaaaath! (Kaya nga nag-MassComm eh.)

=)

jonathan said...

galing naman...napa-review tuloy ako.

 

Blog Template by YummyLolly.com