Powered by Blogger.

Thursday, February 17, 2011

Juan Tamad

Para tayong kwento ni Juan Tamad.

Ako si Juan tamad.

Ikaw ung bayabas.

Hinihintay lang kitang mahulog sakin.

WAPAK!

-----------------------------------------

I'm flying off to Thailand then be back on sunday, then off to cebu, then Iloilo after. Wala munang magtetext till sunday parang awa nyo na, over credit limit nako. mapuputulan nanaman ako ng linya. hindi ko na kayang awayin ang mga call center agents ng globe. haha!

Tuesday, February 15, 2011

Takot sa call center people

Pasensya na sa mga ka-blog na alam kong nasa field na to. Sana hindi nyo masamaain kung may opinion ako na medyo pasalungat sa ilan sa inyo. Hindi ko naman nilalahat. Parang opinion ko lang din sa mga pulis at mga medreps. At uulitin ko, hindi ko nilalahat.

 
Pansin ko lang kasi sa mga taong kilala kong napaka bait, pinipili ang mga salita, may disposisyong akala mo nasa library ka o nasa fine dining restaurant, bigla silang nagbabago matapos mapasabak sa mga call centers.

 
Nagiging matalas ang mga dila. Kada kibo may kakabit na mura. Hindi ko na nga pinapansin ang yosi at inom. At may mga mata na animo’y nagiging leon pag kinanti mo. May positibo din namang dulot ito, ibig sabihin nagka ”backbone” lang sila.
Ayaw ko mang pansinin, pero tuwing tatawag ako na kailangang dumaan sa isang agent, malaking porsyento sa kanila ang talagang mahina sa customer service, ung tipong magalang ang salita pero may tonong ”bilisan mo kasi sayang oras ko,” o dili kaya’y ”ano nanaman yang pinagsasasabi mo.”

Nung isang araw lang, tumawag ako sa Globe, Resh (ata) ung nakasagot. Lalake pero ang taray ng boses. Sanay naman ako kasi may kaibigan akong mataray talga ang boses. Pero pansin ko lang panay ang mute nya ng linya. So naparanoid ako kasi madalas kong marinig na kapag mi-nute nila ang linya, minumura ka na. At sa mga nakakakilala sakin, hindi pa rin ako sanay na minumura ako. Nasanay lang ako kay erick pero hindi nmn nya ako ginagamitan ng seryosong mura na tono. Pero minsan nakong namura na seryoso, naiyak lang talaga ako.
So, ayun nga. Feeling ko minumura ako kaya nag sorry naman ako kung nastress ko sya. Nung matatapos na ang usapan, nag good bye na sya pero bago pa man matapos ang spiel nya ng good bye, ”thank you for calling globe something something... call us any... tooot toooot.”
Patay na agad ang linya bago pa man sya matapos.

Hindi ako nainis pero naulungkot ako dahil dumadami ang mga taong mainitin ang ulo at (pasensya na) pumapangit ang ugali. Hindi ko naman lubusang ma-blame sila dahil alam kong napapagod din silang kumausap ng mga naggagalaiti at nambabastos na mga customer.
Ano point ng post na ito?

Sana lang pag uwi nila ng bahay naiiwan nila ang mga ugali na pilit na pinapalitaw ng demanding na trabahong un.

Sana lang kung ano mang magandang asal na naituro ng mga magulang nila, un padin ang mamalagi pagkatapos ng isang napaka habang araw nila.

Sana lang kung anong mga paggalang sa kapwa na madalas mamutawi sa mga labi nila ay hindi tuluyang mapalitan ng mga maahanghang na salita na wari mo’y machine gun kung lumabas sa mga bibig na tulo na ang laway.

Sana lang kung anong defense mechanisms ang ginagamit nila sa mga customers na di marunong gumalang, hindi nila magamit by default sa lahat ng taong makakasalamuha nila sa real world.

Sana lang kung kinuha man nila ang trabahong un para lang sa sweldo, mahanap dinnila ang trabahong tunay na makakapagpaligaya sa kanila at makakatustos padin sa mga pangangailangan nila

Sa mga magulang, sana may oras padin sila sa mga anak nila.

Sana makakuha padin sila ng mas mahabang tulog.

At sana, kung may mabigat na personal na problema ung nakausap ko, malagpasan sana nya un.

Un lang.

Bow.

Monday, February 14, 2011

Suko nako!

Sabi ko sa kaibigan ko, hindi ako makikisali sa bandwagon ng Valentine's. Masyado syang commercialized para sakin. At masyado syang nakakapressure. wahahaha!

Pero sige na nga. talo nako. babati nadin ako ng Happy heart's day!

1 Corinthians 13



1 If I speak in the tongues[a] of men or of angels, but do not have love, I am only a resounding gong or a clanging cymbal. 2 If I have the gift of prophecy and can fathom all mysteries and all knowledge, and if I have a faith that can move mountains, but do not have love, I am nothing. 3 If I give all I possess to the poor and give over my body to hardship that I may boast,[b] but do not have love, I gain nothing…


4 Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. 5 It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. 6 Love does not delight in evil but rejoices with the truth. 7 It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres.


8 Love never fails. But where there are prophecies, they will cease; where there are tongues, they will be stilled; where there is knowledge, it will pass away. 9 For we know in part and we prophesy in part, 10 but when completeness comes, what is in part disappears. 11 When I was a child, I talked like a child, I thought like a child, I reasoned like a child. When I became a man, I put the ways of childhood behind me. 12 For now we see only a reflection as in a mirror; then we shall see face to face. Now I know in part; then I shall know fully, even as I am fully known.


13 And now these three remain: faith, hope and love. But the greatest of these is love.

Tuesday, February 8, 2011

Gusto mo humabol sa valentines no? Eto sayo!









Ano? Inspired ka pa? LOL Joke lang.
Sabi nga ni Ewik, maghanap ng kahit sino na lang, pantawid man lang sa Valentine's Day.

(images from here)

Thursday, February 3, 2011

Love nanaman!

"Time is too slow for those who wait, too swift for those who fear, too long for those who grieve, too short for those who rejoice, but for those who love, time is eternity."







- Henry Van Dyke
 
Oo, panahon na ng mga lecheng puso. mamatay na lahat ng inlab!!!!!!! :P
There was an error in this gadget
 

Blog Template by YummyLolly.com